Friday, April 17, 2009

My tuna sandwich...

Hayyy, maaga na naman akong nagising kanina to prepare the breakfast of my eldest son. Justine is taking up the UPCAT review sa LSC Ortigas maaga ang class niya (8:00 am) kaya gumigising kami ni Yeye ng maaga para asikasuhin siya kahit summer na. Worth namang ipaghanda ang anak ko, dahil masipag siyang mag-aral... at dapat talagang magsipag sa review niya dahil future niya ang nakasalalay dito... Sana ay makapasa siya sa UP, he wants to take up Biochemistry or Chemical Engineering kapag naipasa niya ang UPCAT or balak din niyang mag-MD sa UP Manila... (Lord sana po ay makapasa ang anak ko....) Kaya kami naman ni Yeye ay all out ang support kay Justine.

Ayan humaba na ang post ko... tungkol lang naman ito sa aking ginawang tuna sandwich pero ang dami ko pang kwento... hehehe...

Photobucket
Simple lang to, yung century tuna i-drain lang then chopped kayo ng small onion lagyan nyo ng pinch of salt, dash of black pepper, konting sugar, lady's choice mayo at okay na ang tuna sandwich nyo... bumili lang ako ng lettuce para mas healthy kainin at nilagyan ko din ng sliced egg.

Photobucket
Kailangan wheat bread ang gamitin ko...hehehe para healthy!
(ang totoo niyan, kasi inuumpisahan ko ng mag-diet..hahaha!!!)

No comments:

Post a Comment

Let me here from you ...