Saturday, May 9, 2009

A Poem for My Mother...

I actually finished this poem for only 10 minutes. Maybe because i'm so inspired while writing this for I know that this will be my gift for my mom this Mother's Day. It just flows smoothly in my mind and in my heart. And since i'm good in expressing my feelings in my native language, I wrote this in Filipino...

Here it is....

Araw Mo Ito, Ina…

May ngiti sa mga labi, habang humihimig
Wika ng pagmamahal ang sinasambit
Haplos niya sa aki’y puno ng pag-ibig
O aking ina hulog ka ng langit.

Gabay mo sa akin ay walang kaparis
Ikaw ang lakas ko sa mundong kay bangis
Mga mata mo’y puno ng pang-unawa
Sa mga pagkakamali kong di sinasadya.

Sa agos ng buhay ikaw ay nakaalalay
Sa mabatong daan ikaw ang naging tulay
Sa luha at saya lagi kang nakaagapay
Sa pagmamahal mo ako ay nabubuhay.

Malayo man tayo sa isa’t-isa
Ika’y laging nasa isip sa tuwi-tuwina
Alam kong darating ang araw na kay ganda
Upang tayo naman ay magkasama-sama.

Mahal kong ina, araw mo ito,
Pagpapala ng Diyos ang hinihiling ko
Magandang kalusugan ang nais ko sa’yo
Makamtam mo pa sana ang mga ibig mo.


I love you very much Mom!!!!
Happy Mother's Day!!!

1 comment:

  1. Happy Mother's Day to you and our mom,Rizza. She's very lucky to have you as her daughter.

    ReplyDelete

Let me here from you ...