Tuesday, February 9, 2010

Happy 16th Birthday Justine!

Today is my son's 16th Birthday. He is so blessed because of the many good things that is happening to him. Sobrang sipag mag-aral ng anak ko na wala ka ng mahihiling pa sa kanyang pag-aaral dahil talagang kahit hindi mo sabihan ay talagang pinagbubuti niya. In the past few days ay parang kami ang nireregaluhan ni Justine dahil sa mga inuuwi niya sa aming achievements, sobrang nag-uumapaw ang aming happiness. Yesterday (Monday) was the most happiest of all, bigayan ng kanilang report card for 3rd grading and hubby was surprised when announced during the flag ceremony that he is the top 1 of the graduating students and belongs to the Principal's List dahil walang siyang line of 8. Si hubby ang nag-attend ng meeting yesterday at para daw siyang nasa alapaap habang binibigyan ng award si Justine. Katatapos lang na National Quiz Bee at eto na naman siya, we didn't expect him to be the top 1 in this grading (top 3 sya nung 2nd grading), pero nakaya ng anak namin. We hope and pray na mai-maintain niya ang kanyang position at maging maganda ang kanyang makuhang award sa graduation.
Anak, so many good things are happening to you right now, we hope na hindi ka magbabago at palagiin mong mag-pray at magpasalamat sa Panginoon sa lahat ng blessings na iyong tinatanggap. We love you so much!

1 comment:

Let me here from you ...