Friday, May 21, 2010

Razon's

Sa ganitong panahon na napakainit ng paligid at halos lahat ay uhaw na uhaw sa sofdrinks na malamig, sa tubig na maraming yelo, sa juice na sobrang refreshing at sa halo-halong kay tamis... talaga namang ako ay mapapapunta sa mall para kumain ng paborito kong halo-halo ng Razon's. The other day, hindi ako nag crave for cake, pizza or pasta kundi sa napaka-simple at napakasarap na halo-halo ng Razon's. Nilambing si hubby at go kami sa MOA, since may binili kami doon ay dito ko na lang siya inaya na mag-merienda.

Ang sarap-sarap niya talaga.... haaayyyy....

Samahan pa ng kanilang espesyal at simpleng palabok....

Ang kanilang simpleng store....

Simple yata lahat ng kanilang set-up eh.... hehehe

Anyway, dahil sa kanilang kasimplehan ay talaga namang dinadayo ang mga branches ng Razon's dito sa Manila, kung sinisipag-sipag lang nga itong si hubby ay sa Pampanga pa kami dadayo, hehehe... miss ko na rin kasi ang Susie's Tibok-tibok eh :( . Maybe next week...next month... hmmmm.... I need to go to Pampanga....


1 comment:

  1. i agree razon's halo halo for me is the best! simple ingredients lang talaga at hindi nakakasawa yan ang secret nila kaya babalik at babalikan mo. i love their palabok too i can eat two servings of it at a time :)

    ReplyDelete

Let me here from you ...